Basuranihan
Mayroong bagong programa ang pamunuan ng Sta Rosa,Laguna. Ito ay naka “focus” sa kalinisan ng kapaligiran na maisasagawa sa tulong na rin ng mga kapwa taga Sta Rosa. Ang “Basuranihan” na proyekto ay galing sa 2 salita ang salitang “basura” at “bayanihan”, naisip ng ating butihing Mayor Arlene Arcillas na sa pamamagitan ng isang “rewards program” lalong maeenganyo ang mga tao tumulong.
Ang konsepto ng programa at nakasentro sa isang “Green Book” na ibibigay sa lahat ng partisipante o grupo. Lahat ng basurang naipon nila ay ibibigay sa isang “junkshop” na accredited ng City-ENRO. Magkakaroon ngayon ng points ang partisipante o grupo.
Ang partisipante o grupo na me pinaka maraming nalikap na points ay ihihirang bilang “TOP POINTS EARNER” at magkakaroon ng premyo.
Kung iisipin, napaka aktibong proyekto nito para masiguradong mananatiling malinis ang Sta Rosa,Laguna. Maski ako naeenganyo na maghanap ng basura at sumali.

No comments: