Dasmarinas,Cavite Nakatangap ng Budget Para Sa Edukasyon!
Isang napakalaking balita! Mula sa Media Account ng Butihing Mayor Jennifer Austria-Barzaga
MARAMING SALAMAT KINA PRESIDENT BENIGNO SIMEON AQUINO III AT SECRETARY ARMIN LUISTRO!“Learning is the best of all wealth, it is easy to carry, thieves cannot steal it, and tyrants cannot seize it; neither fire nor water can destroy it, and far from decreasing, it increases by giving.” - Naladyar
Dahilan sa suliranin sa kakulangan ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Dasmariñas at sa dahilang lumalaki ang bilang ng ating mga kababayan sa pampublikong paaralan na umaabot na ng 110,000 batang mag-aaral, ang inyong Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni Mayor Jenny Barzaga at ng inyong kinatawan, Cong. Pidi Barzaga ay patuloy ang pakikipag-ugnayan kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III at Kalihim ng kagawaran ng Edukasyon Armin Luistro para magkaroon ng pondo sa pagtatayo ng mga silid-aralan sa ating lungsod.
Para sa taong 2014, malugod naming pinababatid sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan at sa mga magulang na ang mga school buildings na kasalukuyang natapos na, ginagawa at gagawin ay nagkakahalaga ng kabuuang P769,619,255.96 at ito ang mga sumusunod:
Asahan ninyo na kaming nanunungkulan sa Lungsod ng Dasmariñas ay patuloy na mangangalap ng pondo upang bigyan tugon ang kakulangan ng mga school buildings sa ating lungsod nang sa gayon ay mabigyan ng oportunidad ang bawat kabataang Dasmariñeno ng karampatang edukasyon para isakatuparan ang kanilang mga pangarap.
No comments: