National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Mas maraming mangingisda nakikinabang sa programang ProbinSyudad ng Taguig

City_of_Taguig_Logo


Magandang balita from Taguig!

Lalagpas sa mahigit isang libong mga mangingisda mula sa labindalawang coastal barangay sa Lungsod ng Taguig ang nabiyayaan kamakailan ng mga kagamitang pangingisda sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

 Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, ang mga kagamitang pangingisda kagaya ng mga high quality na mga lambat ay ipinamigay ng Taguig City government upang pakinabangan ng mga mangingisda sa syudad.

 Dagdag pa ni Mayor Lani na layunin ng Taguig, sa ilalim ng programang “ProbinSyudad”, na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mangingisdang naninirahan sa mga coastal barangay ng lungsod.

 Aabot sa 1,080 na mga rehistradong mangingisda ang nabigyan ng mga kagamitan sa ginanap na turn-over ceremony kamakailan sa Cayetano Sports Complex.

 “Layunin po ng pamahalaan ng Taguig na itaguyod at payabungin pa ang mabuting pakikipagsamahan ng lungsod sa mga fisherfolk community at nais din namin na maging produktibo sila sa kanilang kabuhayan,” wika ni Mayor Lani.

 Katuwang ng pamahalaang Lungsod ng Taguig ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa pamimigay ng mga lambat, 12 na bangkang may katig at apat na bangkang mahaba upang mapabuti at mapalaki pa ng mga mangingisda ang kanilang huli.

 Saad pa ni Mayor Lani na patuloy pa rin ang pamimigay ng Taguig sa mga mangingisda ng mga fingerling upang mapalitan ang mga nahuling isda sa kanilang sanctuary at mapanatili ang normal na fishing cycle sa coastal barangays.

 “Kagustuhan ng Lungsod ng Taguig na mapabuti pa ang kabuhayang pangingisda sa Taguig at itaas ang kita ng mga mangingisda sa pamamagitan ng mga kagamitan na kanilang nakamit mula sa lokal na pamahalaan,” dagdag pa ni Mayor Lani.

 Taguig bilang isang “ProbinSyudad”

 Sa kabila ng patuloy na pag-unlad ng Taguig sa ilalim ng urban development projects ng lungsod, nais din ni Mayor Lani na panatilihin ang kagandahan ng kalikasan sa 12 coastal barangay at palaguin pa ang mga produkto nitong mga yamang dagat kagaya ng iba’t-ibang klase ng isda na bahagi  ng programang “ProbinSyudad” ng Taguig.

 “Hindi natin nilalabanan ang pagbabago dahi bahagi ito ng pag-unlad ng bayan pero maganda rin na mapanatili natin ang kagandahan ng kalikasan lalung-lalo na sa ating coastal barangays na patuloy na nagbibigay sa atin ng kinakailangang balanse sa buong syudad,” ani Mayor Lani.

 Nagbigay din ng mga identification card ang Taguig sa mga rehistradong mangingisda sa lungsod bilang pagkakakilanlan ng mga mangingisdang  dapat matulungan ng  pamahalaan.

 “Kami ay nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Lani sa aming mga mangingisda, dagdag pa ang bagong fisherfolk ID na ibinigay sa amin, ito’y malaking tulong lalo na sa aming mga pamilya,” saad ni Aquilino Causon, pangulo  ng City Fisheries and Aquatic Resources Management Council.

 Sa talaan ng Taguig City Agriculture Office, ang mga TaguigeƱong mangingisda ay nagtatamasa pa rin ng malaking huli ng isda, na aabot sa 23 hanggang 29 kilo kada araw bawat mangingisda, dahil na rin sa maayos at sariwang kapaligiran sa mga coastal barangay.

No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]