National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Isa Nanamang Pagbabago sa Paranaque!



Patuloy ang pagbabago sa Paranaque!

Nakakatuwa ang pinakabagong ulat galing sa pamunuan ni Mayor Edwin Olivarez.

Nagsimula ang lahat ng humingi ng tulong si Mayor Edwin Olivares kay Senator Coco Pimentel upang mapaubayaan ng budget para sa mga proyekto nito. Dahil kilala na ni Senator Coco Pimentel ang track record ni Mayor Edwin Olivarez na walang humpay na binabago ang imahen ng Paranaque ay sumangayon agad ito na ibigay ang hinihiling nung nauna.

Sa pakikipagtulungan kay Atty. Ding Soriano isa sa kinausap ni Mayor Edwin Olivarez ay si Brgy Captain Carlito "Doods" Antipuesto. Isa sa matatawag na poste ng administrasyong Edwin Olivares si Brgy Captain Carlito"Doods" Antipuesto dahil sa parehas na parehas sila ng mga adhikain. Ang pag sasakripisyo sa kanilang buong buhay upang mapalago at mapaunlad ang Paranaque.

Piniling proyekto ni Brgy Captain Carlito "Doods" Antipuesto ang kulungan ng Paranaque. Isa siya sa naniniwalang lahat ng tao ay me kakayahang magbago at kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga dating sakit sa ulo ng Paranaque ay may tiyansang maging modelong mamamayan.

Malaki laki ang problema ng BJMP ng Paranaque o Bureau of Jail Management and Penology. Maraming dapat ayusin, maraming nais idagdag para na rin sa ikakabuti ng pamumuhay ng mga nakakulong. Inusad ito ni Brgy Captain Carlito "Doods" Antipuesto at nung narinig ito ni Mayor Edwin Olivarez ay natuwa ito at agad agad na inaprobahan.

Sa pakikipanayam kay Warden/Supervisor Flory Sanchez napagalaman natin na binigyan ng budget ang BJMP upang:

> Bago at pinagtibay na bubong 

> Pinagtibay na mga pader sa paligid ng kulungan

> Bago at Pinalaking kusina

Hindi pa tapos ang problema. Nabangit ni Warden/Supervisor Flory Sanchez na meron pa ring kakulangan sa tauhan at siyempre kailangan ng mas malaking kulungan upang makagalaw ng mabuti ang mga nakakulong at maiwasan ang pagkalat ng sakit. Agad agad namang sinagot ni Brgy Captain Carlito "Ding" Antipuesto na sa tulong ni Mayor Edwin Olivarez ay unti unti nating reresolbahin lahat yan.

Nakakataba ng puso na sa panahon na puro masasamang balita ang naririnig natin sa mga ibang mga binoto natin makakaasa tayo na patuloy tayo paglilingkuran ni Mayor Edwin Olivarez at Brgy. Captain Carlito "Ding" Antipuesto.

Nang maitanong kay Brgy. Captain Carlito "Ding" Antipuesto kung bakit niya naisip na unahin nag BJMP mabilis ang naging tugon niya: "Lahat ng tao ay may karapatang magbago. Hindi porke't nadapa di na pwedeng tumayo. Naniniwala ako sa adhikain ng BJMP at dahil na rin sa tiwalang binigay sa akin ni Mayor Edwin Olivarez ay nakakatulong tayo sa kapwa natin tao.

Ituloy po natin ang laban sa Paranaque! Nakakatuwa pong makarinig ang mga ganitong klase ng  balita. Sana ho marami pang kasunod!





No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]