National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Mayor ARCILLAS, Maraming Nagawa Sa Tatlong Termino Nito

11006029_10152528449611582_1174956558_n

BAGAMA’T sa susunod na taon na matatapos ang ikatlong termino ng butihing alkalde ng Siyudad ng Sta Rosa, Laguna na si Mayor Arlene Arcillas ay tuloy tuloy pa rin ang mga ginagawa nitong mga programa para sa kanyang mga kababayan dito.

Kung legacy lang ang pag-uusapan ay marami nito si Mayor Arcillas at patuloy siyang gumagampan ng kanyang tungkulin bilang Ina ng Sta Rosa.

Di gaya ng iba riyan ay bagama’t malayo ang pagpa-file ng kanilang candidacy ay maaga pa lang ay umiikot na ang mga ito sa kanilang nasasakupan, ay gumagawa na sila ng mga bagay na kung tawagin pagpapakilala.

Meron diyan na namamahagi na ng kung anu-anong mga bagay para ibigay sa mga tao, tumutulong sa mga namatayan, sa mga may karamdaman at ilan pang mga bagay.

Ang Siyudad ng Sta Rosa ay halos kumpleto na sa mga pangangailangan ang mga tao rito, gaya ng mga serbisyo pubiko na kanilang nakamtam sa pamamagitan ng butihing alkalde Arcillas.

Hindi matatawaran ang mga nagawa nito sa kanyang siyudad, dahil mula ng umupo ito ay sunod-sunod ang mga inilunsad nitong mga programa para sa mga mamamayan nito.

Hindi nabigo ang mga taga-Sta Rosa sa kanilang alkalde at napakarami nitong nagawa para sa kanila at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na tinatamasa pa rin ito ng mga residente rito .

Gaya ng pagpapaayos ng mga kalsada at mga gusali para sa mamamayan na pinamumunuan naman ni City Engr. Reyes.

Suportado rin ang mga programa nitong inilulunsad ng buong Konseho ng Sta Rosa at maging ng mga Department Heads ay laging nakasuporta rito.

Ang kapulisan naman ay patuloy ang pagmamantina ng Peace & Order kung saan ay suportado ito ni Arcillas.,

Mahal din ng kanyang mga residente ang naturang opisyal dahil sa pagmamalasakit nito sa kanyang mga nasasakupan at pati ang mga mahihirap at todo suporta siya rito at patuloy ang ginagawa niyang pagtulong sa mga ito kung saan ay marami siyang nabigyan ng magandang trabaho, hindi lang sa lokal, maging sa abroad.

Maging ang buong staff ng alkalde ay talaga namang napakasisipag sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng Sta Rosa na lumalapit sa tanggapan nito.

“Wala kaming masasabi sa aming Mayor Arcillas napakabuti ng kanyang kalooban, hindi niya kami pinabayaan mga mahihirap, marami siyang nagawang pagtulong sa amin, kaya mahal na mahal namin siya” ayon sa ilang residente rito.

No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]