Paranaque nag SONA
May tiwala si Mayor Edwin L Olivares na magpapatuloy ang pag unlad ng Paranaque at mananatili itong isa sa pinakamayamang lugsod sa bansa. Ito'y matapos ipagmalaki ni Mayor Olivarez na wala nang utang ang Paranaque.
Sa kanyang SOCA (State of the City Address) pinangako ni Mayor na ibibigay niya sa taongbayan ang lahat ng mga serbisyo na kinakailangan nila para mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Inexplika niya na walang pera ang lungsod nung dumating siya at sinabi pa ng COA (Commision on Audit) na umabot sa 2.786 billion ang cash deficit. Maliban pa doon ay nalaman niyang me utang na 2 billion sa Land Bank of the Philippines.
Pero sa loob lamang ng 2 taon ay naiayos na niya ang pananalapi sa pamamagitan ng ilang hakbang tulad ng tax amnesty program kung saan kumita ang bayan ng 700 million sa maayos na pangongolekta ng buwis. Nagpasalamat siya sa malaking tulong ni Anthony Pulmano na siyang namuno sa Treasury dept. dahil naisagawa ng maayos ang mga adhikain niya.
Dahil dito ay maayos naating maibibigay sa ating mga mamamayan ang lahat ng kinakailangan batayang serbisyo tulad ng libre at de kalidad na adukasyon at maayos na public health programs.
Aniya, kasama rin ang sapat at tamang pangangalaga sa mga kababaihan at senior citizens, at ganun din naman ang libreng pabahay sa mga mahihirap, programa pangkabuhayan at trabaho.
Tiwala si Mayor Olivarez sa tuloy tuloy na pg unlad ng Paranaque City dahil sa patuloy na pag dagsa ng investors sa entertainment city.
Sa ngayon ay napaka rami ng mga hotel at casino ang nagooperate sa lugar na malaking tulong sa kanyang programang pagbibigay trabaho.
Malaking tulong din sa lungsod ang mga ginagawang gusali katulad ng Metro Manila Skyway Stage 3, NAIA Expressway Phase 2, at LRT line 1 Cavite Extension.
Nagtapos si Mayor Edwin Olivarez sa pagpapasalamat sa walang pigil na tulong at supota ng mga taga Paranaque sa kanya. Iba talaga itong si Mayor, tunay na pagbabago ang binibigay sa taong bayan. Mabuhay ka Mayor Olivarez!
No comments: