National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Mga Klase Ng Tao Sa MRT

mrt station
Araw araw tayong sumasakay ng MRT. Lahat na ng sakit ng ulo na experience na natin, magnanakaw, nasiraan at naglakad sa riles, manyakis,at pila na hanggang langit. Oo alam ko sawa na tayo. Kaya maiba naman at pagtawanan naman natin ang mga kakaibang taong nakikilala natin sa pagsakay ng MRT.

flicker/webzer
Ang Komedyante

Modus:

Lahat ng nangyayari sa biyehe me komentaryo. Oo lahat!

Example:

"Sige, pigilan niyo wag niyo pasakayin" "Wala, mahina pinasakay niyo, tayo kawawa niyan"

Paano Pakitunguhan:

Deadma. KSP


Ang Galit sa Mundo

Modus:

Tuwing masisira ang MRT sisisihin ang gobyerno. Mamaya personal na buhay sinasama na. Since madalas masiraan ang MRT, bawat station na late sumarado ang pinto maririnig mo siya

Example:

"Nagbayad naman kami ha! Put@dasjdjk naman wala talagang kwenta gobyerno natin. Bulok! Bulok ang sistema! Wala na ngang makain sa bahay ganito pa dadatnan ko!"

Paano Pakitunguhan:

Deadma ulit. Karango ng unang KSP


Ang Caller

Modus:

Kunwari me kausap sa telepono. Papa ringin ang sariling telepono, sabay may kunwaring kakausapin at magyayabang.

Example:

"Panyero! Kamusta na negosyo natin? Malaking deal ba yan? Ayoko ng pipitsugin ha. Ang mga baka sa hacienda napapakain ba ng maayos"

Paano Pakitunguhan:

Lumayo ka, bilis sira ulo yan. Pwede rin batukan mo, baka matauhan.

dawson's creek
Ang Sawi

Modus:

Maglalabas ng cellphone. Aangulo para mapansin mo na tinitignan niya mga pictures nilang mag jowa. Ngingiti ngiti. Okay na sana pero di pa tapos eh. Iiyak.. mahina sa una. Hikbi, hikbi lang sabay aatungal. Wow ha.

Example:

"Rodrigo, napakasakit, bakit mo ko iniwan.."

Paano Pakitunguhan:

a. Ano ka ba! Makisimpatya ka..sabay pag close na kayo tanungin mo kung pwede ka maki connect sa Wifi niya.

b. Pwede rin magpatugtog ka ng Isang Lingong Pag Ibig ni Imelda Papin. Pag umiyak lalo maglabas ka ng popcorn.


Ang Humihinga

Modus:

Hindi naman masamang tao to nagkataon lang maliit. Didikit sayo, nagkataon hapong hapo, baka tumakbo pa at hinabol ang tren. Sabay hihinga ng malalim. Paulit ulit. Mabibigla ka nalang pawisan na ang iyong braso. Di pawis yan te, nag tubig na yung hininga nya sa braso mo. Jackpot di ba?

Example:

*hinga *hinga *hinga * hingal

Paano Pakitunguhan:

a. Pagbigyan. Di nila kasalanan maliit sila. Lumayo ka nalang.

b. Pwede rin patungan mo ang ulo niya ng siko mo.


Ang Biktima

Modus:

Baguhan, laging nasisiko at natutulak. Kung makahawak ng bag kala mo lahat magnanakaw.

Example:

"Excuse me, Excuse me po. Aray, aray masakit. Wag po koya, wag po koya."

Paano Pakitunguhan:

Pagbigyan. Lahat tayo dumaan diyan.


Ang Professional

Modus:

Alam ang kalakaran ng pag eMRT. Nakakadiskarte sa pila. Laging sa gitna pumepwesto, Laging me libreng dyaryo.

Example:

"Ahh di ako pumipila kilala ko si *insert MRT official  here*"

Paano Pakitunguhan:

Wag tularan. Pero sundan mo san pumepwesto, magaling yan. Sigurado kang walang tutulak sayo masyado.


Ang Magnanakaw

Modus:

Malamang magaling sa romansa dahil lahat ng klase ng zipper kayang buksan ng di nakatingin. Ito yung laging naka pwesto malapit sa pinto para mabilis ang pag alis. Mahilig din magturo yan para di siya ang magulpi.

Example:

*tahimik lang yang mga yan. Silent type raw.

Paano Pakitunguhan:

Sumigaw ka! Ipagulpi mo. Siguraduhin mo lang tama naituro mo. Marami nang nagulpi sa MRT dahil mukha lang silang magnanakaw.


Ang Gatong

Modus:

Madalas to nakakatandem ng Komedyante at ng Galit sa Mundo. Yes Man kumbaga.

Example:

Oo nga! Oo nga! bwiset na MRT to!

Paano Pakitunguhan:

Kalahi ng mga KSP. Hindi pa malakas ang loob kaya di pa nag iinitiate. Wag pansinin baka mahawa ka.


Ang Gentleman

Modus:

Nakaupo. Hahanap ng chicks sabay ibibigay ang upuan. Ngiti sabaw hingi ng number.

Example:

"Miss dito ka na, malapit na ko...malapit na ko sa puso mo" *naks

Paano Pakitunguhan:

Sumakay ka na lang te. Ayaw mo umupo?


Ang Pirata

Modus:

Ilalabas ang cellphone. Manonood ng pirated anime or movies. Ngingisi ngisi habang tumatawa sabay titingin sayo na parang iniingit ka pa. Leche pirated naman!

Example:

"Hahaha Ang ganda talaga nito!" *sabay tingin

Paano Pakitunguhan:

Ano pa nga ba, KSP din wag pansinin. Pwede rin pagtripan mo, sabihin mo taga MTRCB ka. Pag umiyak sabihin mo joke lang. Pag di nag react pabayaan mo na malamang di niya na gets ano ang MTRCB.


Ang Ticket Rider

Modus:

Itatap ang ticket sabay kunwari di alam na di gagana, eh malay mo ba at nagmamadali ka rin kaya na tap mo na ticket mo. So ang ending? Nilibre mo siya ng MRT. *iyak

Example:

"Ay ayaw! Bakit kaya?" *sabay ngiti

Paano Pakitunguhan:

Dapat talaga hintayin mo muna makalabas ang nauna sayo. If di na naiwasan at ginawa sayo sumigaw ka sa gwardya. Aba, ano yan libre, libre na lang.


Ang May Putok

Modus:

Katulad ng Ang Humihinga, hindi naman masamang tao to, mabaho lang talaga. Ang masakit dito no choice ka. Didikit at didikit yan sayo.

Paano Pakitunguhan:

Sumimple ka. Takpan mo ilong mo. Pwede ding umubo ka at humirit ng "Amoy langka!"


Ang Naghahamon ng Away

Modus:

Ito yung klaseng pag bad trip sa buhay sa MRT nilalabas. Hahanap yan ng alam niyang kaya niya at pag napag tripan ka hahamunin ka ng away para sa mga simpleng bagay tulad ng "natulak mo raw siya"

Example:

"Aray!" Nakakalalake ka na ha! Ano gusto mo?!

Paano Pakitunguhan:

Wag patulan. Well, kung marunong ka makipag suntukan, why not. Bigyan mo ng isa. Itaguyod mo ang karapatan ng mga naaapi.


Ang Nangbubuntis

Modus:

Di ko alam kung talagang tag init lang siya o natutuwa siya sa nangyayari pero ang taong to ay madalas may "erection" at ramdam na ramdam mo kasi nasa likuran mo siya at tuwing umuusad ang tren dumidikit ang kanyang pagkalalake sa pwet mo. Ang sagwa di ba? Masakit nito kung lalake ka rin.

Paano Pakitunguhan:

a. Magtaas ka ng dalawang kamay. Sabihin mo akala mo holdap.
b. Ienjoy mo na lang
c. Humarap ka sa kanya para patas ang laban!

livinginpanama.com
Ang Prinsesa

Modus:

Pagpasok niyan sa MRT hahanap agad yan nang lalakeng mukhang gentleman. Sabay aaktong hirap na hirap at bigat na bigat sa hawak  niyang wallet.

Example:

"Aray, ang bigat naman ng dala ko" with matching facial expressions.

Paano Pakitunguhan:

Pwede ka bumigay. Pwede rin bigyan mo siya ng FAMAS award for the best actress category.


Ang Pusher

Modus:

Ano pa nga ba di manulak. Pasimple yan, di mo mapapansin siya tumulak sayo.

Example:

"Tabi nga!" ..madalas nga wala pang tabi tabi,tulak na lang.

Paano Pakitunguhan:

Sumigaw ng pagkalakas lakas ng "Ano ka ba tulak ka ng tulak, pusher ka ba?" para matauhan.


Ang Barako

Modus:

Madalas kalbo to, mamang mama, makapal bigote at malaki katawan. Yung tipong gugulpihin ka. Pupwesto yan sa harap mo at naka "arms at the back" mabibigla ka na lang di sinasadyang mahahawakan nya at itlog mo =/

Paano Pakitunguhan:

Humirit ka ng "Pare itlog ko yan" Baka matauhan.











No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]