JEPROCS: Abot Kamay Tulong Sa Pasay
Kitang kita sa mga mukha ng mga nasunugan sa Brgy. 201, Pasay City ang tuwa at kasiyahan, dahil sa munting handog ng JEPROCS, sa kabila ng trahedyang kanilang naranasan, noong nakaraang July 27, 2016, kung saan daan daang pamilya ang nawalan ng tirahan at kagamitan.
Ang JEPROCS, ay Joint Effort of Pasay Rotary Clubs, na pinangungunahan ni Chairman ASP Julia Jatico, ka-agapay, ang kanyang kapwa mga presidente ng Rotary Clubs na sina Hector Bonggat, Brian Bacsafra, Richelle B. Aguiderra, Angie Batallones, Patricia Buenaventura, Marie Christine, Nunez Calumpang, Nora Al Bawardy, Vivian Cabanero, Christine Garcia, Howee Valino, at Romel Cruz, kung saan binigyang buhay nila ang programa ng samahan na ABOT KAMAY TULONG SA PASAY, sa koordinasyon ng magiting, at masipag na kapitan ng Brgy. 201, na si Kapitan James Bontilao.
Pansamantalang naibsan ang pighati sa puso ng mga residente ng mga nasunugan sa naturang barangay, sapagkat ang munting handog ng JEPROCS na personal na kagamitan, at masarap na pagkain, ay tila milyones na sa kanilang mga puso, dahil ipinaramdam ng nasabing samahan ang tunay na pagmamalasakit, at pagmamahal sa kapwa.
Sa panayam kay Chairman ASP Julia Jatico, naikwento niya na mapalad ang mga residente ng Brgy 201, Pasay, sapagkat ginusto ng Poong May Kapal na maiparating ang programa ng JEPROCS sa kanila, dahil nang huli silang nagbibigay ng tulong sa pa-aralan ng San Andress Bonifacio, kasama sina Mayor Tony Calixto, Congresswoman Emi Calixto, at ang anak ng butihing Knsehal na si Ding Santos na si Ms. Potchie Santos, hiniling nito ang kanilang tulong para sa mga nasunugan.
Pagkatapos ng preparasyon, ay agad namang natugunan ng grupong JEPROCS, ang pangangailangan ng mga residente ng brgy. 201, patunay lamang ito na ang Rotary Clubs, ay may prayoridad tumulong. ROTARY SERVING HUMANITY, ang patuloy nilang paniniwala.
Ito’y taliwas sa mga haka-haka ng mga ilang mamamayan na ang Rotary Club, ay samahan ng mayayaman, na SOSYALAN lamang daw ang mga ina-atupag nito, patuloy na pinapatunayan nina Chairman ASP Julia Jatico, na ang JEPROCS ay nagka-isa para tulungan ang mga nangangailangan, lalo na sa lungsod ng Pasay.
Laking kagalakan, at taos pusong pasasalamat ang nais maipabatid ng mga nasunugan sa JEPROCS, dahil sa kanilang ipinamahaging Hygiene Kit, Diapers, Banig, Tuwalya, tubig at pagkain. Ito ay malaking tulong na sa kanila, at ito’y hinding hindi daw nila makakalimutan.
Sa panayam din kay Chairman ASP Julia Jatico, nasabi niya na ang pangunahing layunin ng JEPROCS ay SERVICE ABOVE SELF, kung saan ito naman ay damang dama ng mga residenteng natulungan
Ayon kay Chairman ASP Julia Jatico marami pa silang mga aktibidad lalo na at nalalapit na ang kanilang pagdiriwang ng 100 Years Founding Anniversary ng naturang samahan.
Maraming programa na ang ipinagmamalaki ng Rotary Club, katulad na lamang ng Peace and Conflict, Water and Sanitation, Maternal and Child Care, Basic Education and Literacy, Disease Prevention and Treatment, at Community and Economic Development, Ito lahat ay patuloy na binibigyang buhay ng JEPROCS.
Sa panayam sa mga namumuno sa JEPROCS, ang kanilang consolation sa kanilang pagbibigay ng tulong, lalo na sa mga naghikahos sa buhay, ay ang SALITANG SALAMAT, mula sa kanilang nabigyan ng serbisyo ay sapat na, sapagkat ang pagbibigay tulong sa kapwa ay paglilingkod sa DIYOS.
Sana ipagpatuloy ng grupo ni Chairman ASP Julia Jatico ang kanilang walang pagod na pagtulong sa mga nangangailangan.
Mabuhay po ang organisasyon inyo!
No comments: