National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

LTO Renewal Office Muling Nagbukas Sa Tiendesitas!



Muling nagbukas ang LTO Renewal Office sa Tiendesitas. Kung matatandaan dati nang nagkaroon ng ganitong serbisyo sa loob ng SM Tiendesitas ngunit ito ay isinara ng dahil sa pulitika. Marami ang nalungkot dahil napaka laking serbisyo at ginhawa ang nagagawa ng mga LTO Renewal Office para sa ating mga normal na mamamayan.


Isipin ninyo kung gaano kahirap mag renew ng lisensya. Pupunta ka ng kaaga aga sa LTO, ano unang bubungad sayo? Offline daw sabi ng bantay!, balik ka na lang bukas. Pagbalik naman at kung me system na, pipila ka naman ng pagka tagal tagal. Ang masakit pa sa lahat, di maiiwasang mahingan ka pa ng pera, para sa "mabilis" na medical examination. Kung tutuusin mabilis nga naman. Di ka nga matignan ng nag eexamine sayo, parang nagmamadali pumirma at di man lang sinaalang alang kung me mali na silang ginagawa. Ang malala pa dito, pagkatapos mo malalaman mo wala pa lang lisensya. Ang saklap di ba. Kung driver ka sigurado ako naramdaman mo na ang ganitong pangyayari.


Ngayong maiba naman tayo, subukan ninyong pumunta sa LTO Renewal Office. Laging online, mabango, walang pila, mabilis ang proseso, sigurado kang matino ang titingin sayo at higit sa lahat makukuha mo agad ang lisensya mo. O san ka pa?

Nakapanayam natin si Ms. Julia Jatico ng LTO Renewal Office Tiendesitas at buong tuwa niyang inasikaso ang mga nag rerenew.


Ayon kay Ms. Julia Jatico "Lumipat po kami ng pwesto, dati kaming nasa SM Tiendesitas. Lumipat kami malapit sa parking lot ng Tiendesitas para sa convenience ng ating mga drivers. Ang gusto namin ay pagkababa pa lang nila, diretso na, pwede na silang pumila. Mas malaki ang bagong LTO Renewal Office para mas ma accomodate ang mga tao, ayaw namin na pumipila sila ng matagal kasi yan talaga ang purpose ng LTO Renewal Office, ang mabilis at maayos na pag rerenew ng mga lisensya.

Nakakatuwa nga naman. Sa dami ng negatibong mga balita na naririnig natin araw araw meron pa palang mga ganitong balita na nakakataba ng puso.

Mabuhay ka Ms. Julia, sana ay mag tayo pa kayo ng maraming branches ng LTO Renewal Office. Mabuhay kayo LTO, dahil tinutugunan ninyo ang mga problema ng tao. Sana tuloy tuloy na to!



6 comments:

  1. hello po! what time po bukas ang LTO office sa Tiendesitas? salamat po!

    ReplyDelete
  2. Yup, as per feedback open even on Saturdays

    ReplyDelete
  3. Is there a place near the Tiendesitas LTO renewal center where we can get the medical certificate?

    ReplyDelete
  4. Do they Process Student Permit? or for Renewal only?

    ReplyDelete

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]