Mayor Edwin Olivarez ng Paranaque City Binisita Ni Mayor Albert Robles Ng Carson City, California
By Aida Taguicana, Margarita Suasi, and Johnny Pavon
Naging malaking karangalan sa lungsod ng Paranaque sa pamumuno
ni Mayor Edwin Olivarez ng bisitahin ito ng kapwa Mayor niya na si Mayor
Albert Robles ng Carson City, California.
Kasama ng bumibisitang Mayor ang kanyang mga deligado sa Mayor's
Office ng Paranaque City.
Dumalo rin sa naturang selebrasyon ang konsehales kasama si Vice
Mayor Rico Golez, at mga Punong Barangay na pinangungunahan ni Kapitana Chona
Navarro ng Brgy Don Bosco. Kung saan kitang
kita na puspusan ang pagsisilbi ni Kapitana Chona Navarro sa kanyang mga ka barangay.
Sa inihandang programa ay nagbigay ng welcome remarks si Mayor
Edwin Olivarez at nagbigay ng regalo kay Mayor Roberts. Nagbigay si Mayor
Olivarez ng librong " THE FILIPINO CITIZENS GUIDE FOR DISASTER
PREPAREDNESS AND EMERGENCY MANAGEMENT” para sa siyudad ng Carson City,
California
Nagkaloob naman ng Vice Mayor pin si Vice Mayor Rico Golez Kay
Senior Ranking Council member Elito M. Santarina kasama rin ang regalo, sabay
ang speech nito sumunod ang pananalita mula kay Carson City Mayor Albert
Robles kasabay din ang pagkakaloob ng certificate of recognition mula kay Mayor
Olivarez at memorabilla pictures galing kay Konsehal Marvin Santos .
Si First Lady Janet Olivarez na may bahay ni Mayor Olivarez
ay kasama ng ipagkaloob ang Carson pin sa lahat ng konsehal ng Paranaque at sa
huli si Vice Mayor Golez ang nag closing remarks.
Nasa larawan si Mayor Albert Robles ng Carson City, California
at ang kanyang nga deligado at si Punong Barangay Chona Navarro ng Barangay Don
Bosco.
Mayor Edwin Olivarez of Paranaque City nakikipag kamay kay
Carson City, California Mayor Albert Robles sa harap ng Paranaque City Hall
Ama ni Mayor Edwin Olivarez na si Dr. Pablo Olivarez, dating
Mayor ng PARANAQUE City, kasama si Mayor Edwin Olivarez na nag welcome sa
pagdating ni Carson City, California Mayor Albert Robles kasama ang kanyang mga
delegado sa Paranaque City Hall.
No comments: