National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Taguig naglunsad ng pangalawang JobStart job fair

City_of_Taguig_Logo



Magandang balita mula sa Taguig!
Matapos ang matagumpay na JobStart job fair noong nakaraang taon sa Lungsod ng Taguig, ilulunsad muli ng pamahalaang local ng Taguig ang pangalawang job fair upang pag-ibayuhin ang pagbigay ng trabaho sa mga TaguigeƱo.

 Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, magiging katuwang muli ng pamahalaang lungsod ang JobStart Philippines sa paglunsad ng job fair na gaganapin sa 9th floor, City Extension Office, SM Aura Tower, simula Pebrero 16 hanggang 18.

 “Kagustuhan ng inyong lingkod at ng pamahalaan ng Taguig na maging makabuluhan ang pagtutulungan ng Taguig City at ng JobStart Philippines para makahanap at mabigyan ng angkop na trabaho ang mga nangangailangan sa buong lungsod. At hindi lamang trabaho ang  kailangan na maibigay bagkus maayos at marangal na pinagkakakitaan,” saad pa ni Mayor Lani.

 Base sa talaan ng Taguig City Public Employment Service Office (PESO), ang bilang ng job vacancies na inialok noong 2014 ay umabot sa 78,096.

 Sinabi naman ni Taguig PESO Manager Norman Mirabel na noong 2014 din ay umabot sa 17,716 na bilang ng aplikante ang sumali at nagpa-rehistro sa nasabing job fair.

 Sa kabuuang bilang na 17,716 na aplikante, umabot sa 14,713 sa kanila ang nabigyan ng tamang trabaho matapos ang masusing panayam, job matching, skills training at performance evaluation.

 “Halos lahat sa kanila na nabigyan ng trabaho ay estudyante, out-of-school youths o di kaya ay mga unemployed adults sa Taguig,” wika pa ni Mirabel.

 Ayon pa kay Mayor Lani, natutuwa ang pamahalaang lungsod na mabigyan ng pagkakataon na makipatulungan sa JobStart para magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa aspetong pagbibigay ng disenteng trabaho sa TaguigeƱo.

 “Being chosen as one of the city partners for Jobstart Philippines means a lot to us in Taguig as we have always been striving to maintain a very efficient PESO program in order to  reduce  unemployment especially among the city’s youth,” dagdag pa ni Mayor Lani.

 Ang JobStart, na pinopondohan ng Asian Development Bank at ng Canadian government, ay isang programa na pinapadaan sa iba’t-ibang local government units kagaya ng Taguig upang magbigay ng tulong sa mga tao, lalo na sa kabataan, na makahanap ng maayos at angkop na trabaho sa pamamagitan lectures sa career decisions, technical at life skills.

 Ang mga benepisaryo sa ilalim ng programa ay magkakaroon ng pagkakataon na makakuha ng career guidance at employment coaching, maging mga training sa Labor Market Investment, client assessment, life skills training, at work ethics.

No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]