Ano na ang Susunod Mayora?
Malapit nang matapos ang termino ng butihing Mayor na si Arlene Arcillas. Pagkatapos ng napaka iksing panahon kung saan nakita nating nabago ang Sta. Rosa, galing sa isang probinsya ito ay isa nang ganap na lungsod.
Kung ikaw ay bumibisita mabibigla ka sa makikita mo. Naparaming factory,malls,at commercial na establishments.
Marahil masasabing totoong malaki ang utang na loob ng Sta. Rosa kay Mayor Arlene ngunit nung aking nakapanayan si Mayor ay binaliktad niya ito. Ako ang malaki ang utang na loob sa Sta. Rosa. Kung di dahil sa Sta. Rosa di ako mapagaaral ng aking ama, na kung di niyo na itatanong ay ang dating Mayor ng Laguna na si Mayor Leon Arcilla.
Nabiro ko ring tanungin si Mayor Arlene kung me plano ang isa pang Arcillas na ipagpatuloy ang mabuting gawiin ng kanyang angkan. Ang sagot ni Mayor “Depende yan kung gugustuhin niya. Alam naman ng kapatid ko kung gaano kabigat ang trabaho ng isang Vice - Mayor. Alam rin naman niya ang responsibilidad na haharapin niya ngunit kung nanaisin niyang tumuong sa Sta. Rosa sigurado siyang makakakuha ng suporta sa akin.”
Binalik ko kay Mayor ang tanong. Ano po ba ng plano ninyo? Sa dinami rami ng tinulong ninyo sayang naman po kung ititigil ninyo na ang laban. Ang sagot ni Mayor ay “Maaga pa para isipin yan. Pinagiisipan ko siya Aida ngunit sa dulo ay inilalagay ko ang akin kamay sa aking mga constituents. Kung nais nila ako tumakbo, itutuloy ko ang laban, ngunit kung nais na nila ako magpahinga ako na mismo magpapasalamat sa lahat ng opportunidad na binigay sa akin ng lungsod ng Sta. Rosa.
Ano na ang susunod mayor? Sana naman ituloy mo pa ang laban!
No comments: