Me Mga Karapatan din ba ang Isang Mayor?
Me nabasa akong isang article regarding Lipa,Batangas Mayor Meynardo Sabili.
Ayon sa article na to ay isang grupo ng mga residente sa Victoria Homes sa Barangay Tunasan ang naghain ng mga kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman laban kay Mayor Meynardo Sabili nitong Marso 12,2015 dahil sa pananakot umano ng alkalde para makuha ang may 50,000-metro kuwadradong lupa na pag-aari ng opisyal.
Isa isahin natin ang alam natin:
- Una ayon kay Mayor Sabili, ang mga residente ng Victoria Homes ang humingi ng tulong sa kanya para maayos ang kontrata ng lupa nila.
- Isa pa sa nalikap ko ay nagkaroon ng kasunduan ang mga residente at si Mayor Sabili sa hatian ng lupa. Ito ay pinagtibay ng isang kontrata.
- Ngayon, napabalitang binenta ng mga residente ng Victoria Homes ang lupa nila.
- Me mali ba sila? Karapat dapat bang sabihan muna nila yung lahat ng nasa kontrata ukol sa kanilang desisyon na ibenta ang lupa?
Hindi ko sasagutin yan pero ang mabigat diyan ay ang pinirmahang kontrata ng mga residente ng Victoria Homes.
Pag binasa niyong mabuti ang kontrata malinaw na me karapatan si Mayor Sabili sa lupa at nakasaad din sa kontrata dito na bawal ibenta ang lupa na walang pahintulot ni Mayor Sabili.
Isa pang punto ay ang sinasabing pananakot sa mga residente. Ayon kay Mayor Sabili, sinampahan niya ng kaso ang mga residente noong 2014 dahil sa hindi umano pagtupad sa kasunduan at dinidinig na ngayon ang kaso sa isang korte sa Lipa. Kung ito yung sinasabing pananakot ay nasa lugar naman si Mayor. Kung tutuusin maaaring normal na bagal lamang ang pagtatalong ito kung hindi Mayor si MAyor Sabili.
Ang aking opinyon diyan. Maski mayor siya, me karapatan siya. At me pinanghahawakan siyang kontrata. Yun ang nagpapanalo sa kanya.
No comments: