Sino Si Paranaque Treasurer Anthony Pulmano?

Nakapanayam ko itong si Paranaque Treasurer Anthony Pulmano. Mabait na tao at napaka makumbaba. Hindi mahilig mag kwento tungkol sa kanyang sarili ngunit tuwang tuwa ibahagi ang mga naitulong niya sa lungsod ng Paranaque.
Nag research ako dahil naenganyo ako sa pagkatao ng butihin nating treasurer at ito ang aking mga nakita:
- Personal siyang kinuha ni Mayor Edwin Olivares bilang Treasurer ng Paranaque.
- Sa unang taon pa lang niya ay nakalikom na siya ng P109.26-million budget surplus. Bago siya dumating 10 taon nang kulang ang tax collection ng Paranaque.
Bago siya nalagay sa Paranaque, naging treasurer din si Anthony Pulmano ng Caloocan sa ilalim ni Enrico Echiverri. Sa maliit na panahon nakalikom siya ng P395.6 milyon. Nagawa niya ito sa 2 buwan lamang.
- Ayon ulit kay Mayor Edwin Olivares ang nalikom ni Paranaque Treasurer Anthony Pulmano nung huling taon ay humigit kumulang na P3.79 billion. Hesus Maryosep ang galing nga!
- Kamakailan lamang nabigyan parangal ulit si Paranaque Treasurer Anthony Pulmano galing sa liga ng mga barangay ng Paranaque. Tuwang tuwa ang mga Brgy. Captain kay Treasurer dahil gumagawa siya ng paraan para mapabilis at mapadali ang pangongolekta ng buwis ng mga barangay.
- Ang bagong adhikain ni Paranaque Treasurer Anthony Pulmano ay ang Philippine Association of Local Treasurers and Assessors Inc. o PHALTRA. Kasama si Mr. Nestor Quimbao itinatag ang PHALTRA upang ma challenge ang local treasurers at assessors sa Fiscal Accountability Transparency and Sustainability.
Nung nabangit ko sa kanya ang lahat ng ito ay nangiti lamang si Treasurer. Agad agad niyang binato ang tagumpay sa kanyang mga miyembro at sa pamunuan ng Paranaque. Napakasimpleng tao ngunit napakagaling.
Ang laging mong maririnig kay Paranaque Treasurer Anthony Pulmano ay
"Efficient Collection and Assessment paves the way for the significant increase in terms of collection." kaya nabiro na namin sa kanya na ito ang kanyang motto sa buhay.
Mabuhay ka Anthony Pulmano. Sana marami ka pang matulungang kapwa mo Filipino!
No comments: