144 Bahay, Pormal Na Isinalin Sa Mga Benepisyaryo Ni Mayor OLIVAREZ

Ipinagmalaki ni Mayor Edwin L. Olivarez sa kanyang ulat nitong Lunes sa flag-raising ceremony sa city hall quadrangle ang ginanap na formal turnover ng mga yunit ng bahay sa PAR Homes 1 sa mga benepisyaryo.
Dumalo sa nasabing turnover sina 1st District Rep. Eric L. Olivarez; Mr. Sid Garcia, Rotary Homes Governor; Atty. Rene Bello, ANCOP Head Sector; DMCI Homes Representative Mr. John Bentoranza at Mr. Warren Fernando, beneficiary representative.
Ang awarding ng 144 yunit na bahay ay bunga ng pagtutulungan ng Rotary Homes Foundation, Inc.; Couples For Christ-ANCOP Tekton Foundation, Inc. at Pamahalaang Lungsod ng ParaƱaque kung saan ang mga benepisyaryo dito ay ang mga residenteng nakatira sa danger zone na galing sa iba’t-ibang lugar ng siyudad.
“Ngayon ang tinitirhan ng mga dating nakatira sa danger zones ay safe na safe na, maayos pati ang komunidad sa C-5 Extension sa Brgy. La Huerta,” sabi ni Mayor OIivarez.
Ipinarating din ng alkalde sa mga kawani na mayroon pang ginagawang 60 yunit at pagtatayo ng 100 na iba pa na susundan ng karagdagang 500 yunit at ang magiging benepisyaryo naman ay ang mga residenteng nasa danger zone doon sa major waterway.
Marami ang nasisiyahan sa patuloy na pagpapatupad ng programang pabahay lungsod kung saan napakadelikado ang kalagayan ng mga residenteng naninirahan malapit sa major waterway dahil lahat ng tubig sa buong siyudad ay napupunta dito at malalagay sa panganib ang buhay ng mga nakatira dito.
Sinabi pa ni Mayor Olivarez na unti-unti ng nareresolba ang mga problema ukol sa danger zone sa pakikipagtulungan ng lahat ng NGO’s at people’s organization sa buong lungsod.
No comments: