PUP PARAÑAQUE At PCC Umaabante
Masayang ibinalita ni Mayor Edwin L. Olivarez na sa susunod na buwan ay magkakaroon ng kauna-unahang graduation ang PUP Parañaque Campus kung saan mahigit 250 estudyante ang magtatapos dito. Noong nakaraang taon ay nagkaroon ng ”conversion” ang nasabing campus ukol sa mga kurso na ibinibigay nito, mula Diploma Courses tungo sa Baccalaureate Degree.
Inamin ng Alkalde na napakahirap ng “conversion” o pagsasalin mula sa Diploma Courses na kinukunsiderang parang TESDA na 3 taon lamang papunta sa Baccalaureate Degree na 4-year Degree Courses. Kung kaya matapos ang conversion nitong nakaraang taon ay naging triple na ang dami ng bilang ng estudyante ng PUP Parañaque Campus. Umabot sa 1,200 estudyante ang nagparehistro na sa kasalukuyan. Nagpasalamat din si Mayor Olivarez kay Chairperson Corazon Alma De Leon ng Save the Parañaque River Foundation, dahil naging instrumento ito sa nasabing conversion.
Isa pang ginawa ng pamahalaang lungsod ang ukol sa subsidiya, kung saan dati ay may counterpart ang lungsod na binabayaran ng estudyante, ngayon ay inalis na.
“Ang ibinabayad na lang ng estudyante ngayon sa PUP Parañaque Campus ay Php1,500 every semester at napupunta sa PUP din kaya nga dumami at gumanda din ang mga courses na ino-offer ng nasabing campus,” pahayag ni Mayor Olivarez.
Ipinagmalaki din ng punong lungsod na nagkaroon din ng graduation ng 1st batch ang Parañaque City College na binuksan din nitong nakaraang taon. Ang ibinibigay naman nito ay mga TESDA Courses na 3 buwan para doon sa mga nagbubukas ng mga negosyo para ma-qualify sila sa skills development na pangangailangan sa lungsod.
Malugod ding binati ni Mayor Olivarez ang lahat ng bumubuo ng DepEd, PUP Parañaque Campus at Parañaque City College, “for a job well done.”
No comments: