Dahil Sa Iligal Terminal Sa Lawton, Sanhi Ng Trapik?
MAY nagpaabot ng kanilang hinaing na ilang mga motorista sa inyong lingkod na kapag dumadaan daw sila diyan sa may Lawton, Maynila ay grabe raw ang trapik rito.
Nakita raw nila ang sanhi ng trapiko sa lugar dahil lantaran ang pila ng FX, UV Express at mga bus sa mga gilid ng kalsada.
Lalo na raw kung rush hour ay talaga namang para daw silang pinarurusahan na ang naapektuhan nito ay yung paakyat at pababa na galing sa Quezon Bridge, Jones Bridge at McArthur Bridge.
Isang Matandang babae raw ang nangungulekta ng limpak-limpak na salapi sa mga nagmamay-ari at tsuper ng mga bus, UV Express at FX na pumipila riyan na may alyas na aling “Ligaya’.
Base sa impormasyon na ating nakalap buhat sa ilang tsuper ay lagi raw ipinapanakot nitong si Aling Ligaya ang isang mataas na opisyal sa Manila City Hall para makakuha ng tarya sa mga nagteterminal riyan sa Lawton.
May balita pa na napakalaking halaga raw ng salapi ang nakukuha nitong si alyas “Ligaya” mula sa operator at tsuper ng mga nabanggit na pampasaherong behikulo.
No comments: