National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Ayong Maliksi: Tuloy ang De-Kalibreng Serbisyo at Pamumuno sa PCSO





Matapos lamang ang ilang linggong pagkakahirang ng Malacanang bilang Chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office, 'di maikakakilang epektibo agad sa kanyang paglilingkod si Erineo "Ayong" S. Maliksi.


Isa sa mga pundasyon ng pamahalaan sa pagpapangasiwa ng responsible gaming at higit sa lahat ay ang pagpopondo sa mga charitable  efforts ng gobyerno ang PCSO kung kaya't malaki ang kapakinabangan kung ang liderato nito ay pamamahalaan ng isang beterano na sa serbisyo-publiko katulad ni Ayong Maliksi na nagsilbi rin at naging tanyag sa kanyang paglilingkod bilang dating gobernador ng lalawigan ng Cavite.


Inaasahang marami pang mga proyekto at publiko ang maabot ng tulong ng PCSO sa pamumuno ni Maliksi.


Subok na noon pa man si Maliksi sa 'di pagkakait at 'di pag-aantala ng kinakailangang serbisyo para sa kapakinabangan ng publiko.


Marami rin ang naniniwala sa kakayahan ni Maliksi na pamunuan ang PCSO at ihatid ito sa pinakamataas na antas ng serbisyo sa pamahalaan at higit sa lahat ay sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong nito.


Ayon pa kay Maliksi, titiyakin niyang hindi masayang ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng pamahalaan sa pagkakatalaga bilang PCSO Chairman.


Sa abot ng kanyang dedikasyon aniya ay gagampanan niya ang kanyang tungkulin ng buong puso gaya na rin ng kanyang naging pagsisilbi noon bilang gobernador ng Cavite kung saan libu-libong mga Caviteno ang nabiyayaan ng kanyang de-kalibre at tapat na paglilingkod.

No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]