Manila Vice Mayor Isko Moreno Sa Senado
BAKIT KAILANGAN TANGKILIKIN SI ISKO MARENO? Dahil si Isko, walang mga magulang kamag-anak, na Presidente, Senador, kilala sa larangan ng pulitika, mayamang pamilya sa lipunan, at sulong tagapagmana na malawak na lupain . Maaring ang Nanay at Tatay mo, ay kahalintulad sa kanya, kung kaya’t ramdam nya ang nararanasan ng isang kapwa maralita.
PERO SI ISKO MORENO AY MAY ALAM: Kapag kumalam ang sikmura mo, dalawa lang ang uniporme mo, kung ikaw ay may agam-agam na baka ang bahay na tinitirahan mo ay wala na, dahil ang kinatitirikan ng tahanan nyo ay hindi inyo, kung paano maging ka-susyo ng meralco. Ito’y binibigyan ng solusyon, dahil lahat ng ito’y kanyang pinagdaanan, na tiyak niyang may karampatang solusyon o batas para matulongan ang sambayanan.
TANGGAPAN NI ISKO PARANG BLOCK BUSTER: Ang mga karanasan niya bilang isang dukha, ay kanyang naging pamantayan, sa pamamahala bilang isang KONSEHAL, at BISE ALKALDE sa Lungsod ng Maynila sa tig tatlong termino, dahilan para matugunan niya ang pangangailangan ng mamamayan para, siya’y dagsain ng kanyang nasasakupan. Bukod pa riyan ang LIPUNAN, ay nakakita ng isang SIMPLE, at ORDINARYONG nilalang sa tanggapan ni ISKO, para maging block buster ang opisina ng Vice Mayor.
MAY BALAK BANG TUMAKBO SI ISKO BILANG SENADOR O ALKALDE? Posibleng tumakbo si Isko, bilang Ama ng Lungsod o Senador, subalit ang mga bagay na ito ay hindi kanyang prayoridad. Kundi nais niya lamang muna na manglingkod sa Maynila. Anya madaling tumakbo, pwede ka pumunta sa COMELEC at mag file ng kandedatura. Gayunman, ang kanyang iniingatan, kung sakali manalo siya. Ano ang kanyang magagawa sa taong bayan.
AALAMIN MUNA ANG PULSO NG MAYNILA: Kung sakali man, naisin na ni ISKO MORENO na pumalaot sa mas mataas na posisyon, tatanungin nya muna ang kanyang nasasakupan lalo na ang taga Maynila, at higit sa lahat ang kanyang pamilya, sapagkat malaking bagay ito para sa kanyang masilang desisyon.
SAMANTALA, ANO ANG NAGAWA NI VICE ISKO SA MANILA? Sabi ni Isko ang EDSA, ay TRAPIK, ngunit ang Lungsod ng Maynila ay walang trapik. Ito’y dahil sa kanyang determinasyon, at political will. Kung saan anya, kahit masakit subalit kailangan ipatupad ang batas, at ang desiplina ang pairalin.
Kaya naman, umaasa tayo na ang kanyang mga nasimulan, bilang isang KONSEHAL, at BISE ALKALDE, ay kanyang ipagpatuloy, dahil ito ang hangad ng mamamayan. Ang taong hindi lamang nagsasalita, bagkos ito’y kanyang GINAGAWA.
Para sa ka-alaman ng lahat sa LATEST SURVEY na isinagawa ng iba’t-ibang pribadong sektor, pasok na pasok si ISKO MORENO sa MAGIC 12. At FYI din sa aking mga kapwa mga taga LEYTE at SAMAR, si VM Isko Moreno, ay anak ng isang WARAY mula sa bayan ng Alen, Lalawigan ng Hilagang Samar. Kaya magkaisa tayo para sa ating kababayan, kung ano man ang kanyang magiging desisyon sa darating na halalan. Mabuhay and May God bless us, always!
No comments: