CHEERS, Laging Handang Tumulong Sa Mga Tao Sa Oras Ng Kalamidad
Laging handang tumulong sa mga tao sa oras ng kalamidad ang Community Health Education Emergency Rescue Services (CHEERS) at ilang sangay ng pamahalaan na kanilang kaagapay o katulong sa mamamayan.
Ayon sa pahayag ni CHEERS Vice-President Sandy Montano na layunin nito na tumulong sa mga komunidad at mga barangay na kung paano maiwasan o maging biktima ng sakuna, lindol at bagyo.
Laking pagtataka ni QC Mayor Herbert Bautista sa nangyari sa kanyang mga constituents at kanyang ininterview ang mga tao kung paano nangyari ito at ano daw ang sikreto?
Binanggit pa ni Montano na bago naganap ang kalamidad ay nagtungo sila ng Tesda sa nabanggit na lugar upang mag-conduct ng Community Prepared Program kung kaya naging zero casualties sa nasabing lugar ng maganap ang kalamidad.
Inihayag din ang tatlong PPP ito aniya ang Presents of Mind, Preparedness at Prayers na siyang naging sandata ng mga tao upang huwag maging biktima ng unos.
Sinabi pa na ang CHEERS ay accredited umano ng CHED, TESDA at DepEd at partners naman nito ang NDRMCC, DOLE at DOST sa mga inilulunsad nilang mga programa para sa mga mahihirap.
Ilan sa mga panawagan ng nasabing NGO sa ating mga kababayan na kung sino yung interesado na gustong mag-training para makatulong sa mga mamamayan na mailigtas ang mga ito kung sakaling may maganap na sakuna o kalamidad.
Nabanggit pa yung mga bungang kahoy at gulay ay mainam na pagkain ng tao ito yung Casava, Kamote, Malunggay at Monggo kung saan ito ay pinagsama-sama dahil to y dinurog na animo’y arina, upang madaling lutuin at marami pang mapaggagamitan kung anuman ang nais nila luto rito, ay wala itong anumang uri ng kemikal, gaya ng vetsin at asin na siyang nakakasira sa kalusugan ng tao, pwede ito ng mga bata hanggang matanda
Pwede ring gawing tinapay o kaya ay lugaw
Advice pa ng CHEERS sa mga mamamayan na lagyan ng pangalan ang kanilang damit sa harap man o sa likod upang kung maghiwalay man sila ng kanilang mga pamilya o kamag-anak sa oras ng kalamidad ay madaling makilala yung mga tao.
Kaugnay nito ay ipinahayag pa ni Sandra ang naging mapait niyang karanasan ng lindol sa lungsod ng Baguio ng taong 1990 at marami rin ang naging biktima rito ng mga panahon na iyon.
Kasabay nito ang magandang achievement ni Mrs. Montano kung saan ay siya’y hinirang na 1st. ASEAN Woman Leader at Outstanding Woman Enterpreneur.
Tuloy-tuloy aniya ang mga inilulunsad nilang mga programa para sa lahat ng tao at tutulong sila sa abot ng kanilang makakaya at lagi din sana silang gabayan ng Poong Maykapal.
No comments: