PARAÑAQUE Angat Sa Most Competitive City Competition
SA KABILA ng mahigpit na labanan para sa taguring most competitive city kaugnay ng kompetisyong Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) na itinataguyod ng National Competitiveness Council (NCC) ay umangat pa rin ang Parañaque City.
Ito ay matapos mahirang ang lungsod na 7th most competitive sa kategorya ng highly urbanized cities sa buong bansa kung saan ay mas mataas ng tatlong antas ito sa 10th place na nakuha nito noong nakaraang taon.
Kaugnay nito ay nangako si Mayor Edwin L. Olivarez na pagbubutihin nila ang trabaho para makamit nila ang top place sa taguring most competitive city sa susunod na taon.
“Being named the most competitive especially in the highly urbanized cities category where we belong is unquantifiable because it gives you the affirmation that you are running your city well, while also contributing something positive and tangible in the overall development programs of the country” wika niya sa isang panayam.
Hinamon din niya ang kanyang mga kasamahang mga opisyales ng lungsod para gamitin inspirasyon ang kanilang mga karanasan sa taong ito patungkol sa kompetisyon para tuluyan ng manalo at manguna sa darating na taon.
“We will use this year’s experience as our main motivation and inspiration to perform well in next year’s competition and hopefully we could emerge as the country’s most competitive place” dagdag niya.
Ang awarding ceremonies para sa mga nanalong LGUs ay ginanap sa PICC Plenary Hall in Pasay City noong Huwebes.
Sinimulan ng NCC ang kompetisyon noong 2013, sa pamamagitan ng CMCI para hikayatin ang mga LGU na maging mas aktibo at competitive at sa ganoon ay maging competitive din ang buong bansa.
Sa ilalim ng programa ay magsusumite ang mga LGU ng mga data para masukat ang kanilang performance sa ilalim ng mga kategoryang: economic dynamism, government efficiency, at infrastructure kung saan ay gagamitan naman ito ng mga indicator para maging basehan ng mga hurado at mapili ang mga mananalo.
Noong 2013, ay 122 lungsod at 163 munisipalidad lang ang sumali at umangat naman ang bilang sa 136 na lungsod at 399 munisipyo noong nakaraang taon.
Ngayong taon ay lumobo na sa 142 lungsod at 978 munisipalidad na may kabuuang bilang na 1,120 ang mga kalahok na LGUs.
Noong nakaraang taon ay nakopo ng Parañaque ang unang puwesto sa economic dynamism category at ngayon ay pangatlong puwesto pa rin sa nasabing kategorya.
Kumpiyansa si Olivarez na aangat pa ang puwesto nila sa darating na taon sapagkat alam niyang marami siyang programa at mga proyekto tulad ng pagpapatayo ng mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan , health centers at iba pa na pawang nakalaan para sa kabutihan ng mga mamamayan.
Kasama rin ang patuloy pa ring pagdagsa sa lungsod ng mga foreign investor lalo na sa Entertainment City kung san ay may mahigit 20,000 locators na may estimated annual gross sales ng mahigit sa P300 bilyon.
Nandoon din ang world-class hotel na Solaire Resorts and Casino at ang 6.2-hectare na City of Dreams Manila Resort.
No comments: