Shake Drill Sa Paranaque Tagumpay
Matagumpay na naidaos sa lungsod ang earthquake drill na sinimulan ng alas 10:30 ng umaga kung saan maging sa mga eskwelahan, mga establisimyento, pribado man o pampubliko ay nakisali sa Shake Drill na kinukunsiderang pinakamalaking earthquake drill na ginanap sa Metro Manila.
Bilang hudyat sa pagsisimula ng drill ay pinatunog ang sirena para abisuhan ang publiko na magsisimula na ang isang oras na earthquake drill. Lumahok sa nasabing drill ang lahat ng mga opisyal, department heads at empleyado ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Edwin L. Olivarez.
“Isang napakagandang senyales itong naisagawang drill na ganap na ang pagkamulat ng lahat na kailangang laging handa at maging alerto sa ano mang kalamidad na dumating sa atin,” sabi ni Mayor Olivarez.
Nagkaroon ng senaryo o test kung saan dumating ang mga rescue at ipinakita kung paano ang magiging partisipasyon ng mga nakatalagang emergency response group tulad ng Health Emergency Management Staff, Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office, Building Officials at iba pa para sa pagsagip sa mga magiging biktima ng lindol. Nagsilbing evacuation center ang open space ng Greenheights Subdivision na matatagpuan sa Brgy. San Isidro.
Ang nasabing drill ay suportado ng Memorandum Circular No. 79 na inisyu ng MalacaƱang na nagtatakda ng isang synchronized earthquake drill sa Metro Manila upang maging handa ang publiko sa tinatawag na The Big One o ang isang napakalakas na paglindol na maaaring tumama sa Metro Manila.
No comments: