Pulis Ngayon Ang Bida!
Marahil ay naabutan mo ang panahong pag nanakawan ka imbes na magsumbong ka sa pulis eh magkakamot ka na lang ng ulo at uuwi nang luhaan. Masakit man sabihin pero pawang walang tiwala ang mga tao sa ating kapulisan. Laging nasasangkot ang kanilang mga hanay sa ibat ibang krimen katulad ng carnapping, pagpatay, extortion at droga.
Nitong huling taon lang nabalita ang "Hulidap" kung saan mismong mga pulis ang huhuli sayo, nanakawan ka, at pagbabantaan pa ang iyong buhay.
Akala ng marami wala nang pagbabagong mangyayari ngunit nitong mga huling lingo parang nahipan ng hangin ang ating mga kapulisan.
Me bago na tayong presidente. Si Digong ang naging susi sa mabilis na pagbabago. Inatasan niya ang isang pulis probinsyang me alyas na "Bato" upang ayusin ang kapulisan.
Napakadugo ng pagbabago. Me 5 pulis heneral ang naakusahan ng pag protekta sa mga drug lords. Mismong mga pulis ay bumabagsak sa surpresang drug test. Ngunit hindi naman lahat ng pagbabago negatibo.
Araw araw nababalita ang sunod sunod na pag surrender ng mga kawatan na nagtitinda ng droga at mga gumagamit nito. Sa kasalukuyan nakakatok na ang PNP sa 12,037 na bahay. 8,808 na ang nakumbinseng sumuko. Nakakumpiska na ng 300 kilos ng droga na nagkakahalagang 1.8 bilyon. At nagsisimula pa lang sila.
Ayon sa isang pulis na nakausap namin na ayaw magpakilala.
"Napakasaya ng mga maliliit na pulis (pulis na mababa ang rango) para kaming natangalan ng posas. Dati gusto naming manghuli ng masama pero laging me masasagasaan. Sa totoo lang mas takot kami sa kabaro namin kesa sa kriminal"
Nandito na ang pagbabago. Isa isa nang hinuhuli ang mga dapat hulihin at nakakasorpresang isang police probinsya "lang" ang tatapos ng mga problemang mas matanda pa sa karamihan sa atin.
Malaking bagay na aprobado ng presidente ang lahat ng kanyang aksyon.
Ang malungkot ay naninibago ang mga tao. Hindi agad agad bumabalik ang tiwala. Marami pa ring nagsasabing di dapat pagtiwalaan ang mga pulis. Pero unti unti nilang babaguhin ang kanilang imahen at mabibigla ka na lang na sa susunod na manakawan ka baka dipa nakakatakbo ang magnanakaw eh mahuli na agad ng mga pulis ito.
Sana tuloy tuloy na ang pagbabago.
Mabuhay kayo mga kapulisan. Iahon niyo ang inyong sarili.
No comments: