Pia Wurtzbach Mageenjoy Muna Sa Pilipinas
Pagod si Pia Wurtzbach mula sa biyahe pabalik sa Pilipinas.
Bukas, naka schedule bumisita ang Miss Universe kay President Rodrigo Duterte kaugnay sa posibilidad na dito sa Pilipinas gawin ang 2016 Miss Universe pageant.
Ayon sa Tourism secretary Corazon Teo, lalago ang turismo sa bansa kung sakaling matuloy ang pagiging host country ng nasabing prestihiyosong pageant.
Dalawang beses pa lang ginaganap sa Pilipinas ang itinuturing na pinakaprestihiyosong beauty pageant sa mundo. Una ay noong 1974 at sunod noong 1994.
Sa taong ito ang 25-year-old interior designer na si Maxine Medina ang kandidato ng Pilipinas.
Labels:
Entertainment
No comments: