Early Christmas Gift Giving Program sa Pasay Matagumpay
Iba ang ligayang naihatid ng Pamunuan ng Pasay sa mga kabataan ngayong Pasko. Pinasara ang buong Cuneta Astrodome para sa isang napakalaging programa na nagpapasok ng lagpas 6,000 na katao. 3,000 mga bata ang binigyan ng napakaraming regalo mula hamon,mga prutas, damit, tuwalya, at napaka raming kendi.
Hindi rin sila nalungkot dahil sinugurado ng Pamunuan ng Pasay na magiging maligaya sila sa araw na to, nagkaroon ng mga prinsipe at prinsesa, magic act, dance number, at kitang kita kung paano inayos ang lugar para magmukhang napakalaking palaruan.
Batid sa mga mukha ng bata kung gaano sila kasaya at maski ang mga magulang ay nakatulala sa kanilang mga nakikita.
Walang batang umuwing luhaan. Maski ang mga di nabigyan ng ticket ay ginawan ng paraan ng Dept Head ng Pasay Social Welfare Dept na si Rosalinda Orobia. Ako mismo ang nakakita kung paanong mismong si Dept Head Rosalinda Orobia ang nagbigay ng regalo sa mga batang humabol at akalang wala nang makukuha.
Sa talumpati ng kagalang galang na Mayor Antonino Calixto, pinasalamatan niya si Dept Head Rosalinda Orobia at nagawan ng paraan para mapasaya ang mga kabataang ng Pasay. Malaki siyang tulong sa mga adhikain ng butihing alkalde.
Mabuhay po kayo Dept Head Rosalinda Orobia! Sana po marami pa kayong matulungan sa lungsod ng Pasay!
No comments: