National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Hindi Totoo ayon kay Brgy Captain Chona Navarro

brgy capt chona navarro and mayor edwin olivares

Nakausap ko kanakailan si Brgy Captain Concepcion "Chona" Navarro ng Brgy DonBosco,Paranaque ukol sa mga batikos na binabato sa kanya. Ito ang kanyang mga sagot:

Todobiranews: Sa issue na simula pa lang raw ay alam na ng mga tao na wala kayong gagawin kung di negosyo at di naman talaga kayo nanalo.

Brgy Captain Chona : Unang una sa lahat, ako ay nilulok sa pwesto ng ating mga minamahal na kabarangay gamit ang kanilang boto. Hindi po ako bumili ng boto, natural po akong nanalo. Hindi po ako ang nagsabi nito kung di ang mismong korte.

Kung nagreklamo man ako dahil sa naging resulta, ito ay dahil pawang katotohanan lamang ang aking kagustuhan.

Kung sino man po ang nagkakalat niyan para na rin po niyang sinabing walang silbi ang boto ng mga mahal kong kabarangay. Hindi po ako natatakot maski makarating kami sa korte ako po ang nanalong Brgy Captain.

Sa negosyo naman po, wala namang pong masama sa konting negosyo. Me pamilya rin po akong binubuhay, at hangat sa di nakaka apekto ang negosyo ko sa akin trabaho wala pong masama doon.

Ang impotante po ay di ako kumukuha ng pera ng taong bayan at wala po akong inaagrabyado.

Todobiranews: Sa issue naman po na kayo raw ay laging wala sa barangay?

Brgy Captain Chona : Nakakalungkot, isa akong matinong tao. Hindi ako tipikal na politiko, sumasama ako sa mga proyekto ko. Umiikot ako. Kung sino man ang nagsasabi niyan pwede ko siyang bigyan ng personal na schedule ko.

Pangalawa, wala po tayong mapapala sa parinig. Kung totoo po ang sinasabi ninyo bigyan niyo po ako ng specific na pangalan at lugar.

Mahirap po lumaban sa multo at haka haka.

Todobiranews: Ano naman po an mga plano ninyo?

Brgy Captain Chona : Kakatapos lang ng ika 100 araw ko. Natutuwa ako sa aking mga nagawa pero alam kong kulang pa ito. Mas tutuunan ko nang pansin ang aking barangay kaysa sa mga issue dahil alam kong nagtatrabaho ako ng maayos at marangal.

No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]