Opisyal Na Pahayag Ni Mayor Edwin L. Olivarez
Mariing nilinaw ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez ang nailathalang artikulo ukol sa sindikatong “Baclaran 7” na hinango ng iba’t-ibang pahayagan ay hindi inisyu ng kanyang tanggapan o ng kahit na alin mang awtorisadong indibidwal ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque.
“Sa katunayan, hindi ako kailan man nakapanayam ng kahit na sinong reporter tungkol sa isyung ‘yan,” sabi ni Mayor Olivarez.
Pinayuhan din ng punong lungsod ang lahat ng media outfits na kumpirmahin muna ang lahat ng ilalathalang artikulo na galing umano sa Pamahalaang Lungsod ng Parañaque kasama na ang Office of the City Mayor o ang Public Information Office bago isulat sa kani-kanilang pahayagan.
Sinabi pa ni Mayor Olivarez na hindi nakagawian ng Pamahalaang Lungsod na mag-isyu ng mga press releases na parang blind item. Pinaalalahanan din ng punong lungsod ang lahat ng media practitioners na suriin at kumpirmahin muna ang pinagkunan ng detalye upang makasiguro na makatotohanan ang kanilang mga isinusulat.
Ipinahayag pa ni Mayor Olivarez na hinihintay pa rin niya ng ulat ng Parañaque PNP ukol sa umano’y pamamayagpag ng sindikato sa lugar ng Baclaran at siya mismo ang maglalabas ng opisyal na pahayag kapag nakuha na ang kumpleto at kumpirmadong mga detalye ukol dito.
No comments: