Lolita Miranda Sa Halalang 2016
PORMAL nang nagsumite ng kanyang kadidatura si Lolita Miranda, ang babaeng tinaguriang CURACHA, ang inang walang pahinga sa pagsesrbisyo, nakaraang October 15, 2015, sa Commission on Election, Pasay City.
Sinuportahan ito ng mga Barangay Captan ng District I, at iba’t-ibang sekta ng lipunan, lalo na ang mga kabataan, kababaehan, at Senior Citizen, kung saan sa bilang ng mga awtoridad, halos umabot sa isang libo katao ang dumalo sa naturang filing of Certificate of Candidacy.
Sa panam kay incoming City Councilor Lolit Miranda, layun niyang pagyamanin, at i-angat ang antas ng buhay ng mamamayan ng mga Pasayeno, at maibsan ang kahirapan ng pamayanan, sa pamamagitan ng pangkabuhayan program.
Naitanong natin kay Incoming City Councilor Lolita Miranda, kung bakit ito ang kanyang pangunahing adhikain sa lipunan, lalo na sa komunidad ng mga maralitang taga Pasay? Anya nagsimula siya sa pamilyang hirap sa buhay.
Minsan lumapit siya sa kanilang mga kakilala, at nabigo sa paglapit, samantalang ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanilang tahanan, subalit luhaang umuwi, at ipinangako sa sarili na magsisikap para makatulong sa mga mahihirap.
Nagsilbing kasambahay si Incoming City Councilor Lolita Miranda, para lamang makamit ang kanyang mga pangarap, at maibahagi ang kanyang tatamasain na kaginhawaan, sa mga hikahos sa buhay, lalo na at ito ay kanyang pinag-daanan.
Sa tulong ng May Kapal, at kalakip ng kanyang kasipagan, ang kanyang nais sa buhay, ay binigyan ng katuparan, dahil naging matagumpay siyang negosyante, at broker, kung kaya’t ang kanyang mga biyaya na nakamit ay nais niyang ibahagi sa mga taga Pasay.
Naging pamantayan, ang kahirapan, at naramdaman ang isang pagiging maralita, kung kaya naman nuunawaan ni Incoming City Councilor Lolita Miranda, ang bawat hinaing ng mga Pasayeno, na nagnanais ng isang tunay na serbisyo.
Kaya naman, gawain nating isang ehemplo si Councilor to be Lolita Miranda, para maabot natin ang mga pangarap na ninanais natin sa buhay, dahil tiyak na magkakaroon tayo ng magandang kinabukasan, at malalasap natin ang kaginhawaang natin natin makamtam.
Saad pa ni Lolita Miranda, hindi masama mangarap, kung ito’y lalakipan ng pagsisikap at tiyaga, dahil ang lahat ng mga bagay na nanaisin natin sa buhay ay makakamtan natin na may ngiti sa labi, kung ito’y galing sa mabuti. Mabuhay si Incoming City Councilor Lolita Miranda, at mabuhay ang lungsod ng Pasay!
No comments: