National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Dr. Lito Roxas, Serbisyong Tapat at Wagas Ang Hatid Sa Pasayeno

calixto-roxas


Inisip natin na lubusan nang mananahimik ang mga sinasabing bigating politiko sa Pasay City, sapagkat kuntento na sila di umano sa serbisyo ni Mayor Tony Calixto, subalit taliwas ito sa nangyayari sa kasalukuyan dahil may naghamon..


Sa kasalukuyan alive and kicking pa rin ang dating Kongresista na si Dr. Lito Roxas,  na nagsalita at nagdeklarang, kahit anong mangyari tatapatan niya si Mayor Calixto na siyang incumbent na ama ng Lungsod ng Pasay.


Sabi nga ng mga taga-Pasay, hindi rin matatawaran ang galing ni Dr. Roxas. At ang kanyang plataporma ay angkop na angkop umano sa mga taga-Pasay City.


Aba ‘e buong akala natin wala talagang kakasa kay Mayor Calixto, nagkamali pala tayo dahil ngayon ay meron na…


Mukhang magkakainitan rin talaga sa Pasay City sa darating na election 2016. Palagay natin, ngayon pa lang ay maghanda na kayo mga taga-Pasay City dahil nariyan na ang tunay na laban!


Nasa inyong mga kamay na ang pipiliin n’yong karapat-dapat na maglingkod sa inyo. Ngunit isinisigaw ng mga mamamayan ng lungsod ng Pasay na marapat lang daw na ilagay na sa mabuting kamay ang nasabing lungsod. Bakit kaya?


Samantala ang malinis na hangarin ni Former Congressman Lito Roxas, na serbisyong tapat, at wagas sa pamayanan ng nasabing lungsod, ay talagang tumatatak na sa mga maralita, kung saan uhaw sa isang tunay na lingkod bayan.


Kaya naman tutukan natin ang mainit na pagsasalpok ng dalawang bigating mga pulitiko sa Pasay, ani nga ng mga kritiko, tiyak na mainit na mainit ang labanan, dahil ang mga nasabing kandidato sa pagka alkalde ay matalik na magkaibigan. Abangan.

No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]