Mayor Calixto naghain na ng CoC sa Pasay
By: Bernie R. Anabo Jr.
HALOS na magkasabaynaghain ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) ang Liberal Party (LP) sa lungsod ng Pasay na pinangungunahan ng kasalukuyang alkalde na si Antonino “Tony” Calixto kasama ang kanyang mga konsehal mula sa District I at II.
Alas-11:00 ng umaga ay nagsimulang magtipun-tipon sa Pasay City Hall ang grupo ni Calixto kung saan magkakasabay silang nagtungo sa tanggapan ni Atty. Frances Arabe, Comelec officer ng Pasay City, upang maghain ng CoC para sa darating 2016 Election.
Kabilang sa mga naghain ng kanilang COC ay si Noel “Boyet” Del Rosario, para vice mayor; mga konsehal sa unang distrito na sina dating Liga ng mga Barangay Pres. Antonia Cuneta; Alberto Alvina, anak ni Mayor Calixto na si Mark Calixto, Ricardo”Ding” Santos, Margie Molina, at Jerome Advincula.
Sa pangalawang distrito ay sina Arnel “Moti” Arceo; Donna Vendivel; Aileen Padua; Edith Manguerra; Reynaldo Padua, at Joey Calixto Isidro.
Kasama ring naghain ng COC para tumakbo muli sa pagka-kongresista ang kapatid ni Calixto na si Congresswoman Emi Calixto Rubiano na nagtungo sa Intramuros Manila.
Napag-alamang mahigpit na makakalaban ni Calixto sa pagka-alkalde ay sina Jorge del Rosario at ang dating congressman ng Pasay na si Dr. Lito Roxas.
No comments: