Ang Mga May Kaso ng Tax Fraud Mahigpit na Iimbestigahan ng BIR
Inutusan ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang lahat ng mga regional directors at district officers sa bansa na ipagpatuloy ang pag imbestiga sa lahat ng kaso ng tax fraud.
Dagdag pa nito na tanging ang pagkuha lamang ng mga impormasyon mula sa third parties ang dapat asikasuhin at dapat ay walang pakikipag ugnayan sa mga taxpayers.
Hindi na rin siya magpapalabas ng mga mission orders para hindi agad malaman ang sinumang inirereklamo na siya ay iniimbestigahan.
Dapat agad na dalhin sa regional investigation division ang lahat ng mga reklamong nakuha para sa evaluation at processing.
No comments: