National

[National][grids]

metro

[Metro][twocolumns]

Provincial

[Provincial][twocolumns]

international

[International][grids]

Business

[Business][bleft]

sports

[Sports][bsummary]

Tanong at Sagot ukol sa mga bagong patrol jeep ng PNP





Mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal

Bakit kailangan bumili ng mga patrol jeeps ang Philippine National Police (PNP)?

Matapos dumanas ang bansa ng mga kalamidad nitong mga nakaraang taon (Yolanda noong 2013 at Ruby noong 2014), nakita ng pamunuan ng PNP ang pangangailangan sa karagdagang matitibay at maaasahang sasakyan para sa pagpapatrolya, pag-evacuate ng mga tao, pagkarga ng mga relief goods, at iba pa.

Ilan ang biniling patrol jeeps at magkano ang bawat isa?

Umabot sa 210 ang nabiling brand new 4×4 patrol jeeps mula sa Autocirculo Corporation. Ang bawat isa nito ay nagkakahalaga ng P1,895,000, o kabuuang P397,950,000.

Bakit ang Autocirculo Corporation ang napiling pagbilhan ng patrol jeeps?

Naglabas ng invitation to bid ang PNP ngunit tanging ang Autocirculo Corporation lang ang lumahok. Pumasa naman sa specifications ng PNP ang Autocirculo na nag-alok pa ng mas mababang presyo. Sa katunayan, P476,490,000 ang inaprubahang budget para sa pagbili ng mga nasabing sasakyan. Subalit higit na mas mababa pa ang alok ng Autocirculo na P397,950,000 para sa 210 na sasakyan. Nangangahulugang nakatipid ng P78,540,000 ang pamahalaan mula sa pagbili ng mga patrol jeeps.

Kasama rin sa presyo ang pagbago ng kaha (body customization), pagkumpuni at piyesa, paghahatid ng mga sasakyan sa iba pang panig ng bansa, at extended two-year warranty.

Ano ba itong bagong patrol jeep ng PNP?

Ang biniling 210 patrol jeeps (o personnel carrier) ng PNP ay 4×4. Ibig sabihin, kaya nitong dumaan sa mga lugar na mahirap puntahan dahil sa kundisyon ng kalsada. Bago ang mga ito at hindi surplus.

Dahil dito, makakapagdala ang mga ito ng kapulisan sa mga kabundukan, kabukiran, at sa mga mahihirap abuting lugar kung saan kakailanganin ang pagpapanatili ng peace and order at maging sa panahon ng mga sakuna.

Aabot sa 18 katao ang kayang isakay nito.

No comments:

entertainment

[Entertainment][grids]

lifestyle

[Lifestyle][bsummary]

food

[Food][twocolumns]

technology

[Technology][bsummary]